Welcome back!

25 Jan

Moving On: Day 1

Woah. 7 months na pala ang nakalipas nung huling nag-post ako dito. So kamusta na? Kamusta na ko? Ayos naman. Maraming nagtatanong kung naka-move on na daw ako. Eto lagi kong sagot: “90 percent. Getting there. Lapit na.” Honestly, dahan-dahan ko ng nagagawang kaibigan si Carla. Komportable na kong kasama siya. Wala ng galit sa puso ko. Pero sa tuwing nakikita ko silang dalawa ni PJ na magkasama, naiirita pa rin ako. Hindi pa rin ako komportable sa kanila.

I’m still looking forward sa araw na magigising ako na okay na talaga ako. Yun yung araw kung kelan wala na kong mararamdamang ni katiting na galit or irita. Yung tipong wala na kong pakialam sa kanila. At sa araw na yun, makakaramdam na ko ng buong-buong kasiyahan sa puso ko.

Kahapon, binasa ko ulit yung mga posts ko dito. Nakakatuwa. Kasi nung last time na nagbasa ako dito, siguro mga November yun, nakakaramdam pa ko ng kirot. Pero kahapon, TAWA AKO NG TAWA! Haha. Totoo pala talaga yung mga sinasabi ng mga tao na lahat ng ginawa or sinabi mo right after ng break-up e pagtatawanan mo na lang after several months. Haha. Inangkin ko kasi talaga nung panahon na yun yung korona ng reyna ng kaampalayahan.

Anyway, para masaya lang, share ko lang sa inyo yung mga reaksyon ko NGAYON sa mga sinulat ko DATI.

1. “Nasabi rin niya naman sakin na vague na para sa kanya yung future namin. Iniisip niya pano kung ang gusto pala niya talaga ay magkapamilya at magka-anak. Baka wala na daw ulit na lalaking dumating sa buhay niya.” – THE MAJOR TWIST https://forgettingcarlabatumbakal.wordpress.com/2011/05/06/7/

***Balita ko, balak na daw nilang magpakasal. One time, tinanong ako ni Carla kung pupunta daw ba ko sa kasal nila if ever. Ang sagot ko, hindi. Tapos, tinanong niya ulit ako. “Payag ka bang maging ninang ng magiging anak ko? Hindi pa kasi ako nagkakaroon.” Ang sagot ko: “Ayoko nga!” Hahaha. Eto namang si Carla, binibigla ako. Dahan-dahan ko pa nga lang siyang tinatanggap bilang kaibigan ulit tapos ganyan na kagad?! Ninang kagad ako?!  Owver!

 

2. “Sabi ni Cheska habang niyayakap ang nanginginig kong katawan, “alam mo Belle, everything has a purpose, pero may karapatan kang malaman ang mga sagot sa mga tanong mo”. So binigyan ko ng go signal si Cheska na i-text si Carla na bumalik sa kotse at kausapin ako.” – BETADINE IS NOT ENOUGH https://forgettingcarlabatumbakal.wordpress.com/2011/05/06/betadine-is-not-enough/

***Everything has a purpose. I realized may mga regalo talagang hindi nakabalot ng maganda. Hindi mo maappreciate sa unang tingin pero pag nabuksan mo na at naintindihan mo kung bakit ganun kapangit yung pagkakabalot sa kanya, mare-realize mo na yung purpose ng bagay na yun. Actually, thankful ako na nangyari yung break-up na yun kasi kung hindi, hindi ko mare-realize kung gaano ako ka-strong at kaganda. Yun yun eh! Gumanda kasi talaga ako! Haha!

 

3. “Pag naglalakad ako, tabingi. Yung tipong naglalakad ako ng diretso tapos maya-maya, malapit na pala ako mahagip ng sasakyan. Nagtetext ako habang naglalakad ako papunta sa office. At nagulat na lang ako na may biglang mabilis na sasakyan na dumaan sa gilid ko. As in one inch away na lang ako dun sasakyan. I realized, kaya muntik na ko mahagip  kasi walang nag-remind sakin na tumabi. ” – SIMPLE ARITHMETIC https://forgettingcarlabatumbakal.wordpress.com/2011/05/06/ano-mas-marami-18-o-4/

***Well, wala namang nagbago, tabingi pa rin ako maglakad. Haha. Pero at least, natutunan kong wag na masyadong umasa sa ibang tao, that I have to do things on my own. Walang laging sasalo sakin. Walang laging hihila sakin para tumabi. Walang ibang dapat magmahal sa sarili ko kundi ako.

 

4. “Malapit na siya bumaba nun nang titigan niya ko with her puppy eyes. Sabi niya, “Pwede bang i-text mo ko pag nakauwi ka na? Kung okay lang naman sayo, kung hindi okay lang din na hindi mo ko i-text. Ingat ka.” Hindi ako sumagot tapos, bumaba na siya. Pagdating ko ng bahay, tinext niya ko. The usual “bahay ka na ba?”. Nag-reply ako. Sabi ko, “Oo. Ikaw?”” – HER PUPPY EYES https://forgettingcarlabatumbakal.wordpress.com/2011/05/10/her-puppy-eyes/

***Carla has very expressive eyes. Tingnan mo lang siya sa mata and you’ll know kung anong nararamdaman niya. Isa sa mga turning moments ko e nung nakita ko kung pano niya tingnan si PJ from afar. That’s when I realized na in love talaga siya sa lalaking yun, kasi ganun niya ko tingnan dati. Yes, she cheated on me. That’s a fact. One of her biggest mistakes. Pero ngayon, di ko na siya masisisi kung bakit niya nagawa yun. Eh in love siya dun. People do stupid things when they’re in love. That’s another fact.

 

5. “Sarap ng kwentuhan namin ni Papa Jesus nung nag-text si Carla, hinahanap niya kung nasaan ako. Sabi ko nasa church ako. Sunod daw siya. Sabi ko kay Papa Jesus, “Papa Jesus, bigyan mo ko ng sign. Pag dumating siya dito, ibig sabihin, pwede pa kami. Gusto mo pa kami magkabalikan.” – DO NOT ENTER, PLEASE USE OTHER DOOR. https://forgettingcarlabatumbakal.wordpress.com/2011/05/10/20/

***Wag kang maniwala sa signs. Maniwala ka dun sa naramdaman mo nung nangyari or hindi nangyari yung sign. Parang toss coin. Pag nahihirapan ako mag-decide, nagto-toss ako ng coin. For example, iinom ako pag heads, hindi pag tails. Pag lumabas ang heads at hindi ako super saya na lumabas siya, hindi ako iinom. Ganun. Don’t based your decisions merely on signs. Instrument lang dapat yun para mafigure out mo kung ano ba talaga yung gusto mo. For odd reasons, hindi kami nagkita or nagkasalubong nung araw na yun kahit na pumunta naman talaga siya nun sa church. Isa yun sa mga “that’s it” moments ko kasi hindi ako super lungkot nung nangyari yun.

 

6. “Alam kong para kong tanga sa sasabihin kong to. I still love you, gusto ko lang sabihin. Gusto ko pa rin na i-text mo ko. Gusto ko pa rin na kamustahin mo pa rin ako. Masakit na umaasa ako pero gusto ko pa rin na binibigyan mo ko ng atensyon mo. Gusto ko pa rin.” –  THREE LITTLE INDIANS https://forgettingcarlabatumbakal.wordpress.com/2011/05/10/three-little-indians/

***DON’T EVER BEG. Hahahaha! Ang stupid ko nung moment na to! Kasi the more na hinahabol mo yung tao, lalo ka niyang lalayuan. Lalo siyang matu-turn off sayo. Sabi nga ng isang kaibigan ko, “nobody loves a loser”. So wag kang magpaka-loser!

 

7. “Ang hirap magsimula gumawa ng bago kong mundo kasi sobrang magkadikit na bituka at brain cells namin ni Carla. ” – A WHOLE NEW WORLD https://forgettingcarlabatumbakal.wordpress.com/2011/05/19/a-whole-new-world/

***One of the biggest mistakes. Learned it the hard way. Dapat may sarili kang mundo. May sarili ring mundo yung partner mo. Pero, meron kayong shared secret world. Para pag nawala na yung shared secret world, may babalikan kang mundo na iyo lang talaga. Wag mag-astang mag-asawa kung hindi naman mag-asawa! Malinaw?!

 

8. “Alam mo yun. Kahit anong sakit nung mga ginawa niya saking panloloko, ang bottomline, kaya ko pa rin siyang tanggapin kasi sobrang mahal ko siya. Ayokong mawala si Carla. Ang corny sabihin pero di ko kayang mabuhay ng wala siya.” – DRINKING BUDDY https://forgettingcarlabatumbakal.wordpress.com/2011/05/20/drinking-buddy/

***Lahat ata ng nagdadaan sa break-up sinasabi to. Well, buhay pa naman ako ngayon! Eto’t nakakapagsulat pa. Ang arrrrte ko lang nung moment na yan! Haha!

 

9. “Sabi niya, “Pag alam na alam na alam ko na na ikaw talaga ang gusto ko, hahanapin talaga kita, kahit saan mang sulok ka man ng mundo. Kung may karelasyon ka na sa mga panahong yun, naku, wag ka lang magpapakita ng katiting na pagkagusto sakin dahil aagawin talaga kita. Gagawin ko ang lahat para makuha kita ulit.” – DRINKING BUDDY https://forgettingcarlabatumbakal.wordpress.com/2011/05/20/drinking-buddy/

***Pampalubag-loob ni Carla yan. Haha. If ever totohanin niya, sorry na lang. Di na talaga. Marami nagtatanong sakin kung if ever daw magbreak sina Carla at PJ, may chance daw ba na magkabalikan kami ni Carla. Lagi kong sagot e “alam ninyo hindi na talaga, may mga bagay na ginawa si Papa Jesus na sobraaaaaang sakit na di mo na nanaising ulitin pa”.

 

10. “Niyakap niya ko ng mahigpit. Tapos, nagkatinginan kami. Nagpaalam ako na hahalikan ko siya. Pumayag naman siya at hinalikan niya ko. One kiss led to something else. Hiniga ko siya sa kama. When I was about to do more things to her, napaisip ako. Naka-feel ako na parang hindi tama. Lasing na rin kasi siya. I stopped. Binihisan ko siya tapos inayos ko yung pagkakahiga niya sa kama. Kinumutan ko siya at hinalikan ko siya sa noo. Naglatag ako ng kutson sa sahig at dun ako natulog.” – DRINKING BUDDY https://forgettingcarlabatumbakal.wordpress.com/2011/05/20/drinking-buddy/

***I have to give myself a pat on the back on this one! Hindi ko talaga pinagsisisihan na hindi ko tinuloy yung break-up sex na yun dahil sa moment ko na yun napatunayan kung gaano ko siya kamahal at nirerespeto noon. And I know walang makakagawa sa kanya ng ganun! Sexy  kaya ni Carla! (yikeee! alam ko nababasa mo to, isang vanilla ice cream na lang bayad mo sa magandang publicity na to, bwahahahaha!) Mahirap siyang i-resist ah! Ewan ko lang kung makakapagpigil ang isang lalaki sa ganung moment. Haha.

 

11. “Paglabas ko ng salon, feeling ko ang ganda-ganda ko. Feeling ko ang daming tumitingin sakin. Pagdating ko sa office, ang daming nagulat sa new look ko. Ang sarap ng feeling na ang daming nakaka-appreciate sakin other than Carla.” – BASHA  https://forgettingcarlabatumbakal.wordpress.com/2011/05/20/basha/

***Wag na wag magpapagalaw ng buhok sa isang pa-girl. Isang araw lang akong maganda niyan. Tapos kinabukasan, sabog na ulit yung buhok ko. Hahaha.

 

12. “Ni-refresh ko. Online pa rin sila pareho. Nakakairita. Ni-refresh ko ulit. Online pa rin sila pareho. Nakakabadtrip.” – REFRESH https://forgettingcarlabatumbakal.wordpress.com/2011/05/25/refresh/

***Makakatulong kung iba-block mo muna yung ex mo at yung new partner niya sa facebook. Kasi, para ka lang tanga pag napaparanoid ka pag makikita mo silang online pareho. Tapos  iiyak ka pag makikita mo yung mga updates at mga pictures nila together. Wag masochist. Pag naging tanga ka isang beses, hindi ibig sabihin entitled ka ng maging tanga for the rest of your life.

 

13. “Tanga si Carla. UP Grad ako. Cum Laude pa ko. 22 years old lang, kaedad niya. Pinagpalit niya ko sa 28 years old na lalaking nakadalawang kurso na at tatlong beses pa bumagsak sa board exam na hindi makasunod ng simpleng instruction sa opisina. Saksakan ng kabobohan yung taong yun.Well, bagay sila ni Carla. Pareho silang bobo’t tanga. Oo na. Ako na ang reyna ng ka-ampalayahan. Isa lang lamang sakin ni PJ. May t*t* siya, ako wala.” – GOD WANTS YOU TO KNOW https://forgettingcarlabatumbakal.wordpress.com/2011/06/02/god-wants-you-to-know/

***Haha! Grabe sa pagka-ampalaya!!! At ang yabang ko e no? Ang bottomline naman eh kahit anong talino ko at kahit anong ganda ko, hindi na ko magugustuhan at mamahalin pa ni Carla kasi wala nga akong titi!

 

14. “Sabihin mo lang kung kelan at saan tayo mag-meet… Sampalin mo ko…” – text ni Carla.” – WORLD WAR IX https://forgettingcarlabatumbakal.wordpress.com/2011/06/10/world-war-ix/

***Girls will always be girls! Hahaha! Puro bantaan, hindi naman ever natuloy! Wala pa ngang sampalan, iyakan na kagad! Haha!

 

15. “CARLA IS ONE STUPID BITCH! Hindi ako galit. That’s a FACT!” – YEAH, SHE IS https://forgettingcarlabatumbakal.wordpress.com/2011/06/18/yeah-she-is/

***Hahahahaha! Ilang buwan ko din siyang tinatawag na “bitch”. Tawa na lang ako. Haha. Grabe talaga sa pagka-ampalaya!

 

16. “Bagsak na sa lupa si PJ Asshole. Patay na ata. Wala akong pakialam. Mabuti nga at mamatay na siya. Lumapit si Carla Bitch sakin. Sabi niya, “pwede ba kitang halikan?”. Hingal na hingal ako dahil sa pambubugbog na ginawa ko kay PJ Asshole. Sinagot ko si Carla Bitch. Sabi ko, “iwan mo muna siya!”. Wala siyang reaksyon. So sinampal ko sa mukha si Carla Bitch. Inulit ko yung sinabi ko, “iwanan mo muna siya bago ka bumalik sakin!”. Wala ulit siyang reaksyon. Sinampal ko ng ilang beses yung mukha niya hanggang sa pumutok na yung mga pimples niya. Pero parang wala siyang nararamdaman. Blanko lang ang mukha ni Carla Bitch.” -BUGBOG SARADO https://forgettingcarlabatumbakal.wordpress.com/2011/06/25/bugbog-sarado/

***Grabe talaga ang epekto sakin ng dalawang to! Hanggang sa panaginip andun sila. Pero ok na yun, kesa sa totoong buhay ko sila pinapatay diba? Masisira pa buhay ko pag nakulong ako. Pag naiinis, hanggang sa utak lang dapat, wag na wag isasabuhay ang pananakit.

 

Uso daw break-up ngayon. Sa tingin ko, hindi naman siya uso. Marami lang kasing taong nagmamahal kaya marami ring taong nakakaranas ng break-up. Directly proportional lang kumbaga. And besides, nothing lasts forever. Bawat istorya may ending.

Tingin ko lahat naman tayo naranasan nang masaktan. May friend akong amaze na amaze kung paano ko daw nagawang makapagmove on e araw-araw kong kasama si Carla sa opisina. Paano daw? Turuan ko daw siya pano mag-move on. Naniniwala akong hindi kasi natuturo ang pagmu-move on. Kung human instinct ang magmahal at makipag-sex, i believe human instinct din ang makapag-move on cause we are all born to survive.

 

Never-ever na magpapagiba,

Belle Dimagiba

Bugbog-sarado!

25 Jun

After the Break-Up: Day 52

Matagal ko ng gustong makaisa kay PJ Asshole. Gusto ko siyang sampalin para lang mapahiwatig sa kanya yung mensahe ko na ahas siya, masamang tao siya at bobo siya dahil di niya alam ang ibig sabihin ng katagang “don’t shit where you eat”. Nung moment pa lang nalaman ko ang gaguhan at lokohang nagaganap, gusto ko ng makaisang solid spike sa mukha niya. Pero di ko nagawa. Kasi likas na mabait akong tao. Hindi ko kayang manakit ng ibang tao. Pinagpasa-Diyos ko na lang sila ni Carla Bitch.

Pero nagkaroon ako ng isang pagkakataon. Naiwan kami sa isang lugar ni PJ Asshole. Actually, andun din si Carla Bitch. Hindi ko ma-describe yung lugar, parang warehouse na di ko maintindihan. May taong hindi ko nakita yung mukha pero binigyan niya ko ng baseball bat. Nung una, ini-spike ko muna ng ilang ulit yung pagmumukha ni PJ Asshole. Pagkatapos, hinataw ko yung baseball bat sa pagmumukha niya ulit at sa bayag niya. Putok yung labi, mata, ilong at kung anu-ano pa sa kanya. Kumbaga, lintik lang ang walang latay.

Nandun lang si Carla Bitch. Pinapanood lang niya kami. Wala siyang reaksyon masyado. Patuloy ang pagbayo ko ng baseball bat sa ulo at katawan ni PJ Asshole. Hindi gumaganti si PJ Asshole. Aba’y buti naman at di siya gumaganti dahil in the first place, babae pa rin ako para patulan niya physically. Galit na galit ako. Sige lang ang hataw ko pa sa katawan niya. Wala akong pakialam kung may umaagos ng dugo sa floor.

Bagsak na sa lupa si PJ Asshole. Patay na ata. Wala akong pakialam. Mabuti nga at mamatay na siya. Lumapit si Carla Bitch sakin. Sabi niya, “pwede ba kitang halikan?”. Hingal na hingal ako dahil sa pambubugbog na ginawa ko kay PJ Asshole. Sinagot ko si Carla Bitch. Sabi ko, “iwan mo muna siya!”. Wala siyang reaksyon. So sinampal ko sa mukha si Carla Bitch. Inulit ko yung sinabi ko, “iwanan mo muna siya bago ka bumalik sakin!”. Wala ulit siyang reaksyon. Sinampal ko ng ilang beses yung mukha niya hanggang sa pumutok na yung mga pimples niya. Pero parang wala siyang nararamdaman. Blanko lang ang mukha ni Carla Bitch.

Umagos yung mga luha ko. Basang-basa na yung mukha ko. Napapikit ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Nabitawan ko yung baseball bat. Bumagsak sa tiyan ni PJ Asshole. Dumilat at tumingin ako kay Carla Bitch. Blanko pa rin ang mukha niya. Hindi rin siya masyadong gumagalaw. Nakatayo lang siya at nakatingin sakin. Pumikit ulit ako.

Pagdilat ko, basang-basa yung mukha ko. As in. Grabe ang ugong at hampas ng hangin. Ang lakas ng ulan! Agad kong sinara ang bukas na bintana. Tiningnan ko yung oras sa cellphone ko. 5:45 am.

Grabe naman si Bagyong Falcon, ang aga manggising!

Sam

25 Jun

After the Break-Up: Day 51

I met someone. Her name is Sam. Okay siya. Sakto lang ang beauty . Younger sakin ng 3 years, nag-aaral pa. Okay kausap. Interesting din naman ang personality niya. Makinis din siya (number one requirement ko sa babaeng ipapalit ko sa pimpolic na si Carla Bitch hahaha). most importantly, hindi siya straight. And she seems interested din naman sakin. Pero parang may mali.

Nung nakakatext ko na siya lagi, nafi-feel ko na ang clingy niya masyado. Alam ninyo yun. Di pa naman kami masyado magkakilala pero kung maka-demand siya na lagi ako mag-text e nakakaburn-out (Jejemon din kasi siya makipag-text kaya nao-off ako). Parang hello! Alam naman niyang I just got out of a 4-year relationship. Alam din naman niyang di pa ko ready sa commitment and all. Alam din naman niya na I’m not looking for something serious right now. Siguro, masyado pa siyang bata mag-isip kaya di ko siya masakyan.

Haaaay. Nakakatamad makipag-date-date. Nakakatamad yung getting to know each other stage. Nakakatamad makipagkapaan ng ugali.

Pero on a second thought, I have to go through this process para totally maka-move on kay Carla Bitch. Kahit nakakatamad, naisip ko na gawin ko na rin.

So kanina lang, habang ka-text ko mga friends ko, naisipan kong i-text si Sam.

Ang haba ng message ko biglang boom! “Message Sending Failed”! May load naman ako. May signal naman ako. Nakaka-text naman ako sa iba. Ilang beses ko sinend ulit yung message. Mga more than 15 times. Failed pa rin.

After two hours, nag-send ulit ako ng text kay Sam. Poof! Failed again!

Eye Candy

19 Jun

After the Break-Up: Day 45

Kahit puyat, maaga akong gumising kanina kasi 8am daw ang laro namin ng volleyball. Dito sa bago naming tinitirhan, lahat ng pwedeng salihan, sinasalihan ko. Unang-una, para makapag-adjust sa bagong bahay namin. Pangalawa, para dumami ang friends ko. Pangatlo, para ma-divert ang utak ko, para di ko na maisip si Carla Bitch.

Umabsent muna ko sa Taebo session ko kaninang 6am para makapag-prepare ako ng maayos para sa volleyball game. May bago nga pala akong shoes! Thanks kay Cheska at Alexi na tinulungan ako maghanap ng magandang rubber shoes kahapon (medyo olats kasi ako sa shopping, hehe)!

First time kong ma-meet kanina yung mga teammates ko. Isa lang ang kakilala ko talaga dun, yung kapatid kong bunso na si Miel. Okay naman sila, cool sila. Makulit kasama. At magagaling din maglaro. Kaso, talo kami kanina. Haha. Pero close fight ang laban infairness. First set: 15-25 (kung saan ako naglaro haha, wala pang teamwork sa set na to, di pa kasi kami magkakakilala) Second set: 25-23 (si Miel na ang pumalit sakin) Third set: 23-25 (si Miel pa rin ang naglaro sa set na yan instead of me, na-enjoy ko na kasi ang pagccheer). Pero masaya pa rin yung team! Hindi naman daw goal ang manalo, ang habol lang daw ay magsaya. Hahahahaha! Imbes na practice mamayang hapon, swimming at inuman ang magaganap. Goodluck na lang sa game namin tomorrow morning!

Speaking of our game tomorrow, nag-stay muna kami kanina after ng game namin para mapanood namin yung team na makakalaban namin. In fairness, ang galing nung dalawang teams na naglaban after ng game natin. And in fairness ulit, merong nakakuha ng atensyon ko. Dalawa sila. 🙂 🙂 🙂

Girl#1:

Actually, alam ko na name niya. Catherine. May uniform na kasi yung team nila. She’s not that pretty pero nakakahawa yung smile niya. As in. Mapapa-smile ka rin pag tiningnan mo siya. Magaling siya maglaro. Pero syempre di rin maiiwasang magkamali, pero ang maganda sa kanya, whenever magkakamali siya, todo smile pa rin siya. Chinita. Ganda ng hair. Matangkad. Pwede ng Kim Chu look-a-like. Kaso bata pa, siguro mga 17-20 years old pa lang siya. Pero basta, okay siya. Makikita ko siya tomorrow dahil kalaban namin sila bukas. Kaso, baka ma-distract ako sa kanya tomorrow. Pero keri lang. Ay shet, excited na ko. Mahahawakan ko yung kamay niya dahil sa seremonyas bago mag-start ang game na makikipag-apir muna sa kalaban. Haha. Landi much.

Girl #2:

Ay eto talaga. Panalo to. Volleyball player talaga ang dating niya. Ganda ng bagsak ng buhok niya kahit nakatali. Ganda ng katawan niya. And yung legs, perfect (di ako manyak, i’m just stating the facts). At sobrang galing niya maglaro!!! Setter yung position ninya, pero nagii-spike din siya! May karga din yung serve niya. Ibang klase! And yes, maganda siya. Makinis. Hindi masyado nagssmile kanina, seryoso kasi siya sa game. Pero okay lang, kasi pag nagpakawala naman siya ng smile, tunaw ka pramis. Sarap niya panoorin maglaro. Kelan kaya namin sila makakalaban? And ano kayang name niya? Wala pa kasi sila uniform kaya di ko alam kung ano name niya. May asawa na kaya siya? Nasa 20-30’s na kasi siguro yung edad niya. Ang mas maganda pala itanong eh kung straight kaya siya? Hahahahaha. Anyway, basta masaya, kasi siya yung eye candy kanina. 😀

Sabi nung friend kong super butch na ang hitsura eh magpagupit na rin daw ako, magpalit ng ayos at gawin ko daw mas lalaki ang kilos para maging marketable daw ako sa mga femmes. Ang reaksyon ko, “NO FUCKING WAY!” Haha.

Para rin alam ninyo, butch (mas masculine sa girl-to-girl relationship) ako pero ako yung soft kind. Di naman kasi ako comfortable na mag-damit lalaki and magpagupit ng boy-cut. Nag-eenjoy pa rin ako pag ang ganda-ganda ng damit at hitsura ko. Girl pa rin ako manamit at umasta kahit papano. Marami ngang nagugulat na tao pag nag-oout ako sa kanila. Marami ring nagugulat saming dalawa dati ni Carla Bitch pag nalalaman nila na kami kasi pareho kaming mukhang babae. Lagi nilang tanong: “sino yung lalaki?”. Pag ganun yung tanong, tumatawa na lang kami pareho.

Anyway, eto yung explanation ko dun sa hardcore butch friend ko about dun sa sinabi niya: “Alam mo, kung may magkakagusto man sakin ulit, hindi yun dahil sa hitsura ko, ganito kasi talaga ako, babae naman kasi talaga ako, nagkataon lang na ang gusto ko e babae rin. Kung lalaki pala ang tingin niya sakin, ayoko sa kanya. Maghanap siya ng lalaki, dami-dami lalaki sa mundo, wag ako kasi babae ako. Dapat tanggapin at mahalin niya ko sa kung ano ako. At please, ayoko ng straight talaga! Gusto ko yung babaeng nakapag-decide na babae din ang gugustuhin at mamahalin niya. And wala sa hitsura yun, marketable naman ang personality, ugali at heart ko ah!”

Yes. Lovable ako. Trophy girlfriend kaya ako (eto ang confidence!!!). Hahahahaha! Basta, swerte yung magiging next girlfriend ko promise. Di ko alam kung bakit at pano ko nasabi yun. Basta.

Si Girl #1 or Girl #2 kaya ang next? Pwede. Actually, pwede kahit sino. Sasalain ko kung sino ang lesbian talaga. And from there, saka ako mamimili. Charot! Haha.

Dadating din siya. Naniniwala ako na dadating din siya. Self-loving muna ang gagawin ko until ma-heal ang wounds. Pero kung may dadating na tutulong na gamutin yung sugat e why not diba?

Yeah, she is.

18 Jun

After the Break-Up: Day 44

 

CARLA IS ONE STUPID BITCH!

 

Hindi ako galit.

 

That’s a FACT!

Mabait Pala Talaga Ako

15 Jun

After the Break-Up: Day 41

Masaya ulit akong nagising. Hindi sobrang saya tulad nung dati pero sakto na. Hindi na super lungkot tulad ng mga nakaraang linggo. Pagdating ko sa office, nung nakita ko si Carla, naisip ko, magiging mabait na ko sa kanya, unti-unti ko ng aalisin yung galit. Keber na lang sa kanila ni PJ. Kasi, ang hirap mag-work pag may baggage. Pinaubaya ko na kay Lord yung mga nangyayari basta focus na lang ako sa work.

Pagdating niya, tinuruan ko kaagad siya mag-photoshop. Dati kasi, ako lagi gumagawa nung mga marketing materials ng grupo namin kasi di siya marunong. Bukal yun dati sa loob ko. Pero ngayon, syempre kelangan i-divide yung work. Lugi rin naman ako kung ako lagi gumagawa tapos siya nakikipaglambuntsingan lang diba? (teka, sabi ko nga, unti-unti ng alisin ang galit, breathe in, breathe out, kalmaaaa)

After ko siya turuan, sabay kami nag-lunch. Okay yung usapan namin. Di na ko masyado nakaka-feel ng awkwardness. After ilang hours, dumating si PJ. Magkatabi kami ni Carla so di siya tumabi samin, sa kabilang table siya umupo.

Tinuturuan ko si Carla maglipat ng files sa kabilang drive ng laptop niya (medyo mahina talaga sa computer si Carla, dati, pag may kelangan siyang gawin any computer/internet stuff, ako gumagawa for her but this time, kelangan niya matuto para na rin mahati ng maayos yung workload namin). Si PJ parang bata, haha. Selos ata. Lumapit siya saming dalawa ni Carla, dala-dala yung laptop niya, pinakita niya kay Carla yung in-edit niyang picture for advertisement
(ang sakit sa mata nung in-edit niya in fairness). Sabi ni Carla, “wow ganda”. Tapos alis kagad sa harap namin si PJ (fyi, PJ pala ay subordinate namin ni Carla sa work, what a complicated situation for the three of us right?).

Tapos, kumain ako ng sandwich. Medyo nahirapan ako sa paglalagay ng palaman dun sa sandwich ko. Kinuhaan ako ng tinidor ni Carla. Tapos sabi niya, “since kinuhaan kita ng fork, pahingi ako ng sandwich mo.” So ako naman, binigyan ko siya ng isa. Okay yung kwentuhan namin habang kumakain. Wala namang keme sakin. I mean, hindi naman na ko umaasa na babalik siya or something. Swear! (para sa mga taong magre-react ng “weh???”). Gusto ko lang maging maayos yung working relationship namin para mas lumaki din kita namin. Nitong mga nakaraang linggo kasi, ang baba ng sales ng group namin ni Carla. Affected talaga. E ang dami kong gustong gawin sa sarili ko. Gusto ko mag-travel. Gusto ko mag-shopping. Gusto ko bumili ng bagong laptop, cellphone at kung ano-ano pa. Di ko magagawa yung hindi malaki kita kaya inaayos ko na yung working relationship namin.

So habang nagkwekwentuhan at kumakain kami ni Carla, may katext siya. Syempre obvious naman na si PJ katext niya, pagkatapos niya magtext, lingon lang ako sa kabilang table, si PJ naman ang nagtetext. So obvious na obvious. Maya-maya, pagkatapos ng isang pagte-text ni Carla, napabuntong-hininga si Carla at nagsabi ng “hay naku”. Tapos tumayo na siya at lumabas ng office. After three minutes, si PJ naman ang lumabas ng office. So malamang dinner na sila.

Napaisip ako. Baka nga nagselos si PJ? Ayoko mag-assume and sa totoo lang, keber lang naman sakin. Para sakin kasi, di siya nag-eexist sa mundo ko. Pero at the same time, matino rin naman akong tao na ayokong maka-interfere sa kahit anong relationship. So tinext ko si Cheska (nauna na kasi siyang nag-out sa office).

“Mali ba yung ginawa ko? Nagselos ata si PJ. Nagkaroon kasi kami ng mini-bonding ni Carla habang nasa kabilang table lang si PJ. Nagugulo ko ba relationship nila? I believe, I did not cross any line naman kanina. Tina-try ko lang yung best ko na maging maayos working relationship namin ni Carla para rin sa income namin yun.” – text ko kay Cheska

“Sus. Wala kang ginawang mali. Haler!” – reply ni Cheska

Nag-rewind utak ko. Naalala ko lahat ng nangyari sa buhay ko for the past three months. What a thought! Naisip ko talagang mali ako e noh? Haler nga naman talaga!!!

Serotonin

12 Jun

After the Break-Up: Day 39

Ganda ng gising ko! Diretso kagad ako sa cr. Hilamos. Toothbrush. Bihis. Suot ng sapatos. Ready na ko sa jogging! Sa wakas, nakahanap na rin ako ng buddy sa pagpapapayat! Si Miel, yung kapatid kong bunso, ay inspired na inspired sa Biggest Loser: Pinoy Edition. Hindi naman siya kasing-chubby ko. Actually, siya ang pinakapayat sa pamilya pero gusto raw niya ibalik yung katawan niya yung sumasayaw pa siya. Kung dati ang bonding lang namin ay magic sing, ngayon nadagdagan na!

Start na kami mag-jog. Bilis namin mapagod. Mas marami yung lakad moments at kwentuhan moments namin kesa sa actual jogging talaga. Haha. Matapos ang isang oras, niyaya ko siyang maglakad hanggang sa main gate ng subdivision namin. Malayo-layo rin yun. Parang mula mrt quezon ave station hanggang mrt gma-kamuning station yung layo.

So ganun pa rin. Jog, lakad, kwentuhan, jog, lakad, kwentuhan. Nung napadaan kami dun sa clubhouse ng subdivision namin, natuwa kami. May nakita kaming mga oldies na nagta-taebo. Huminto kami saglit. Nanood. Tapos maya-maya, nagkatinginan kami at sabay namin sinabing, “sali tayo!!!!”. Chineck muna namin kung may mga bata ba dun sa group na yun. May nakita naman kaming tatlong babae na mukhang nasa 20’s pa rin naman. Nahiya kami lumapit para sumali na kaagad. Sinilip na lang namin yung tarpauline nila tapos kinuha namin yung contact number nung organizer.

Pagdating sa bahay, tinext kagad namin yung organizer. Tinanong namin kung pano sumali. Pinabalik na kami ulit dun sa clubhouse para mas malinaw daw yung usapan. Then voila! Members na kami ni Miel ng Aero Danza Movers Club!

Sarap pagpawisan! Sarap sumayaw kahit tigas ng katawan ko. Nahirapan ako sa mga parts na may mga kembot-kembot keme. Haha. Pero feeling ko naman, mas magaling ako sumayaw kahit papaano dun sa mga oldies na kasabay ko. Medyo na-pressure din ako na wag huminto at magpahinga. Kamusta naman kasi, nakakahiya naman kung mapapagod ako habang yung mga oldies e tuloy-tuloy lang sa paghataw. Kakaiba! Lumabas lahat ng serotonins ko sa katawan! Ang saya-saya! Enjoy kasabay yung mga oldies. May mga hiyawan moments pa ang mga lola mo in between of repetitive steps!

Gagawin ko ng habit tong pagta-taebo! Masaya! Actually, nadala ko yung happy emotions and good vibes. In fairness, eto yung araw na kahit papano e hindi ako na-distract kila Carla at PJ as in keber lang. May hurt feelings pa rin pero di na ganun katindi tulad ng dati. Kung last saturday, lungkot na lungkot ako (dahil alam kong pag saturday, nag-oovernight si Carla sa bahay ni PJ), this time hindi na.

From now on, Saturday is a happy day because of Tae-bo!

World War IX

10 Jun

After the Break-Up: Day 38

May tinanong ako kay Carla tungkol sa work. Wala akong pakialam kung katabi niya si PJ nun. Keber ko sa dagang yun. Na-annoy ata si Carla dun sa approach ko sa kanya. Napa-side comment siya bigla. Uminit ulo ko. Para sakin kasi, wala siya karapatang magreklamo sa mga requests ko about work or mag-side comment sa mga sinasabi ko. Excuse me naman sa atraso niya sakin diba?

So nagkaroon ng sagutan. Nagpanting talaga yung tenga ko nung tinanong niya ko ng “sino ka ba para pagbawalan ako mag-side comment?”. Kung wala lang kami sa office nun, gusto ko siyang sagutin ng, “WELL, AKO LANG NAMAN YUNG TAONG NILOKO MO NG BONGGANG-BONGGA AT SINASAKTAN MO SA ARAW-ARAW NA MAGKASAMA KAYO NG BOYFRIEND MONG MUKHANG DAGA. WALA KANG KARAPATANG MAGREKLAMO. SA LAKI NG KASALANAN MO SAKIN, WALA KANG KARAPATANG MAGALIT SAKIN. MAHIYA KA NAMAN SA BALAT MO!”.

Pero since nasa office kami, ang nasabi ko na lang ay, “ah ganun? sino ako? malaki lang naman kasalanan mo sakin! pasensya na kung pangit approach ko sayo ha! o, sige, basta yung kelangan ko, bigay mo sakin mamaya! tangina mo!”.

Sabay walk out.

Di ko intensyon na murahin siya. Actually, sa 8 years (4 years as friends & 4 years as lovers) na pagiging magkakilala namin, never ko siyang minura. Ngayon lang. Ewan ko, lumabas na lang bigla yung mga salitang yun sa bibig ko dahil sa sobrang galit ko. Nanggigil talaga ko sa kanya. Gusto ko siya saktan physically pero di ko magawa.

Maya-maya, nakatanggap ako ng text.

“Sabihin mo lang kung kelan at saan tayo mag-meet… Sampalin mo ko…” – text ni Carla.

“Di kita sasampalin dahil nirerespeto ko pa rin pagkakaibigan natin. Pero pasensya ka na, di kita matrato bilang kaibigan sa ngayon dahil di mo naman ako tinrato as one for the past two months.” – reply ko sa kanya.

Sabi nila Cheska at Alexis (mga officemates namin), di ko lang daw siguro napapansin pero kaibigan pa rin daw ang turing sakin ni Carla matapos ang mga pangyayari. Napuno lang daw siguro si Carla dahil nagtitimpi lang daw siya the whole time na may mga parinig ako sa kanya. Ewan ko ah. Siguro di ko pa naiintindihan sa ngayon. Ang punto ko lang, alisin na natin yung fact na naging girlfriend ko siya, yung konti man lang respeto bilang kaibigan, na hayaan niya muna ko mag-heal bago siya makipag-boyfriend sa iba at ilantad sa opisina e di man lang niya binigay sakin. Three month rule naman FRIEND. O at least one month rule na lang oh. Konting pagbibigay lang ng time sakin para makapag-adjust e di niya binigay sakin. Kung tunay siyang kaibigan, di siya magiging selfish.

Sabi nila, wag ko daw hayaang ma-push away siya. Na i-treasure ko yung katiting na relationship na meron kami. Ewan ko. Di ko ma-comprehend sa ngayon. In time, maiintindihan ko na rin.

Siguro, itutulog ko lang to. Bukas, di na ko galit. Swerte naman niya at pinag-aalayan ko pa siya ng emosyon. Excuse me naman.

Bitin

10 Jun

After the Break-Up: Day 37

Nasa office ako. Biglang lumapit si Carla sakin. Di ko alam kung bakit. Umupo siya sa tabi ko. Sabi niya, “kamusta ka na?”. Sagot ko, “eto pinipilit na kalimutan ka.” Napatahimik siya. Hinawakan niya yung kamay ko. Dinala niya yung kamay ko sa dibdib niya. Sabi niya, “sabi ng utak ko, si PJ dapat, pero ikaw pa rin ang laman nito, ikaw pa rin yung mahal ko”.

Natulala ako. Wala akong nasabi. Di ko alam kung ano ire-react ko. Di ko alam kung dapat ba kong matuwa o hindi. Umalis siya bigla.

Tumabi siya ulit sakin. Sabi niya, “kakausapin ko si Pj, makikipag-break na ko sa kanya, wag ka na mag-alala”. Tumayo ulit siya tapos lumabas siya sa office. Di na naman ako nakapagsalita. Ewan ko ba. Di ko maintindihan yung sarili ko. Lutang.

Maya-maya, pumasok na sa office sina PJ at Carla. Tiningnan ko sila. Parang may ini-explain si Carla kay PJ. Biglang tumayo si PJ at lumabas ng office. Lumapit na si Carla sakin.

Hinawakan ni Carla yung kamay ko. Tiningnan niya ko sa mata. Hinawakan niya yung mukha ko. Nakipagtitigan na rin ako sa kanya. Pagkatapos, parang slow-mo na movie. Dahan-dahang bumukas yung bibig niya na parang may sasabihin siya.

“Pwede bang tayo na lang ulit?”, tanong ni Carla sakin.

Di ko alam kung anong isasagot. Parang gusto ko na ayoko. Gusto ko na bumalik siya sakin pero bago yun, gusto ko siya munang pahirapan. Pero naisip ko, ayoko, wag na lang, di ko na siya kayang tanggapin. Mahirap kalimutan yung mga sakit na naidulot niya sakin.

Nakatitig pa rin siya sakin. Binitawan niya yung mukha ko. Pinisil niya yung dalawang kamay ko. Naghihintay siya ng sagot.

Sasagot na dapat ako kaya lang nakarinig ako ng parang may tumatawag sakin.

“Ate! Ate! Ate!  Gumising ka na raw sabi ni mama. Tanghali na daw, maligo ka na!”, sigaw ng bunso kong kapatid habang tinatapik-tapik niya yung hita ko.

 

 

 

 

 

Emo Mode

9 Jun

After the Break-Up: Day 34

Daming changes sa buhay ko lately. Recently lang, nalaman kong may cancer nanay ko. So kelangan ng dobleng effort at dedication sa work. Sinabayan pa na nag-break kami ni Carla. Akala ko, siya yung unang taong dadamay sa mga problema ko sa pamilya. Well, maraming maling akala. Habang naghihirap ako, ayun si Carla, kumakalantari sa iba. Tapos, nalaman ko rin na kelangan na naming lumipat ng bahay dahil masasagasaan ng highway project ng gobyerno yung bahay namin sa QC. Well-compensated namin kami pagdating sa lupa pero di enough yung binayad samin para makapagpatayo kami ng bagong bahay sa bagong lupa sa QC. Buti na lang at may naipundar yung tatay kong isa pang bahay sa montalban kaya dun kami lumipat.

Grabe.

Ako na ang taong may sabay-sabay na problema. Tini-test ako ni Papa Jesus ng bongga. Ako kasi yung tipo ng taong hirap mag-adapt sa mga changes na nagaganap sa paligid ko. Hindi ako adventurous. At hindi rin ako spontaneous. Sanay ako sa mga routines.

Lam ninyo yun, daming adjustments sa buhay ko. Hinihingal na nga ako habulin yung mga pagbabago sa buhay ko (kelangan ko na talaga mag-gym, haha). Parang pag di ako nakasabay sa mga pagbabago, iwan na iwan ako. Ayaw na ayaw ko pa naman yung nale-left behind. Kelangan ko humabol.

Ngayon, nasa last place ako ng karera. Pero putangina! Lalampasan ko lahat ng umagrabyado sakin! Tinataga ko sa bato, mag-abang yung lahat ng dumurog sa puso ko. Hintayin lang nila, i’ll definitely bounce back.

Ngayon lang to. Bilog ang mundo. Pupulutin sila sa kangkungan, back-up ko kaya si Papa Jesus. Sigurado ako, nasa akin pa rin ang huling halakhak. Bwahahahahahahahahahahahahaha!